Isinulat ni:santos92s A.K.A Cilvezter Eliazar
Mga Pinagkunan: wikipedia.org
x Araling Panlipunana ... عرض المزيدIsinulat ni:santos92s A.K.A Cilvezter Eliazar
Mga Pinagkunan: wikipedia.org
x Araling Panlipunana Serye III
x Kasaysayan ng daigdig para sa ikatlong taon ng Hayskul
Ang Krusada ay isang serye ng hidwaang militar na may kaugnayan sa relihiyon na itinaguyod ng karamihan ng Kristiyanong Europa noong 1095-1291,
karamihan nito ay pinagtibay ng Papa sa ngalan ng Kristiyanismo.
Ang kaunaunahang layunin mga Krusada ay ang mabawi ang
Jerusalem at ng "Banal na Lupain"mula sa kapangyarihang Muslim at kaunaunang binunsod bilang tugon sa panawagan mula sa
Eastern Orthodox Silangang Imperyong Romano, na mula kay Emperador Bisantino
Alexios I Komnenos upang masugpo ang pagdating ng Muslim na
Seljuk Turks sa Anatolia
Nagbalak si Papa Urbano II na bawiin ang banal
na lupain sa kamay ng mga Muslim noong 1095.
Pinangunahan ng mga maharlikang Pranses at Norman ang unang krusada.
ang ikalawang Krusada naman ay pinangunahan ni Papa Eugenius II, Ang
ikatlong krusada naman ay mas kilala sa tawag na
Krusada ng tatlong Hari sapagkat Tatlong Hari ang
nanguna nito, sila ay si Haring Richard I ng Great Britain, haring Philip II
ng France at Emperador Frederick Barbossa ng
Germany. Habang ang ika-apat na Krusada naman ay pinangunahan ni Papa Innocent III, ito ay nagdulot lamang ng pag-sama ng mga Venezio sa Pagsalakay sa Constantinople noong 1203-1204 na ikinahina ng Silangang Imp.
Romano (Imperyong Bizantion). Ang Krusada
naman ng mga kabataan ay nabigo dahil sila ay nilinlang ng sinakyan nilang barko at
ipinagbili bilang mga alipin.
Panawagan parA SA KRUSADA
Humingi ng tulong si Emperador Alexus I (1048-1118) kay PaPa Urban II
upang sagipin ang Imperyong Byzantine at panatilihin ang Kristiyanismo sa Silangan .
Sa pagsakop ng Jerusalem, ang mga seljuk ay nagkaroon ng pagkakataon na sakupin ang Constantinople.
Sa maraming taon, ang lungsod ay nagisisilbing tanggulan laban sa mga hamon sa pamamayani ng Kristiyanismo sa
Kanlurang Europe.
Tumawag sa Papa Urban II ng konseho noong 1095 sa Clermont upang hikayatin ang libo-libong kabalyero na "kunin ang krus" at maging isang crusader na ang ibig sabihin ay "markado ng krus".
Bilang kanilang gantimpala sa pagpapalayasng mga SeljukTurk sa Jerusalem, ipinangako ng
Papa ang pagpapatawad nglahat ng kanilang mga kasalanan, pagkakaroon ng mga lupain sa mga lugar na kanilang sasakupin, at kalayaan mula
sa kanilang pagkakautang.
Ang panawagan na Papa ay masiglang tinanggap
ng maraming kabalyero sa iba't-ibang dahilan. Ang iba ay may taimtim na hangad na ipagtanggol ang mga Kristiyaniyanong deboto na nagpupunta sa Jerusalem.Ang iba ay naghahanap
ng mapanganib na pakikipagsapalaran. Ang iba naman ay nais taksan ang pagkakautang o ang kanilang kasalanan sa batas.
Mayroon ding iba na ang nais ay yumaman.
Masiglang tinanggap din ng mga mangangalakal ang pagbibigay
ng tulong laban sa mga Seljuk Turk. Ang pangamba nila
ay ang pagsasara ng kalakalan sa Sialangang Mediterranean kung mananatili ang kapangyarihan ng mga Seljuk Turk.
Si Papa Urban II ay handa ring tumugon sa
hiniling na tulong ng Imperyong Byzantine laban sa mga Seljuk Turk.
Siya ay naniniwala sa pangangailangang muling pag-isahin ang Simbahang Roman at ang Simbahang Orthodox.
Kung magagawa niya ito, maaari niyang palawigin ang kanyang
kapangyarihan sa buong kahariang Kristiyano, palawakin ang mga
hangganan nito, at ibalik ang Rome bilang pangunahing lungsod at kabisera ng
buong daigdig.
Ang Unang Krusada(1096-1099)
Ang unang Krusada ay nilahukan ng mahigit 10,000 nagbubukid na walang nalalaman at pagsasanay sa pakikidigma.Sila ang unang umalis patungong Jerusalem.
Nagaway-away sila nang dumating
sila sa Asia Minor . Ang karamihan sa kanila ay madaling tinalo ng mga Seljuk Turk.
Kabilang din sa Unang Krusada ang 20,000 hanggang 25,000 kabalyero.Karamihan sa kanila ay mga French.
Noong `1097, nilusob niala ang Asia Minor. Sa
loob ng dalawang taon, kumilos sila patungong timog at silangan hanggang sa makuha
ang Antioch. Matagumpay nilang pinasok ang Jerusalem noong Hulyo 15, 1099.
Sa pagkakapanalo ng mga Kristiyano sa Krusada, nasakop nila ang teritoryo mula sa Tigris River hanggang sa mga hangganan ng Egypt.
Apat na Crusader States ang itinatag sa lugar na
ito. Ang pinakamalaki at pinakamahalaga ay ang Latin Kingdom of
Jerusalem. Ang hinirang na pinuno nito ay si Godfreyng
Bouillon na binigyan ng titulo bilang "Tagapagtanggol ng Banal na Sepulkro." Ang tatlo pang estado ay Edessa, Antioch, at Tripoli.
Dulot ng pagtatatag ng Crusader States nanumbalik ang pagdalaw ng
mga Europeo sa Holy Land. Nagkaroon muli ng himpilan ang Kristiyanismo rito.
Dumagsa rito ang mga debotong Kristiyano.
Pabalik-balik dito ang mga barko ng mga mamahalin at piling produkto ng Asya.
Hindi nagkasundo ang mga pinuno ng Crusader States. Ginawa
ng bawat isa na maging malaya sila sa isa't-isa.
Madalas silang nag-away-away at pinagtatalunan ang mga lupain na kanilang sakop.
Sumakatuwid: (Pagbubuod)
Dahilan:
--> Pagsalakay/pagsakop ng mga Turk mula sa Gitanang Asia noong 1000 sa
Asia Minor, Palestine at Syria kung saan matatagpuan ang mga lugar na banal ng Jerusalem.
Pagpapahirap ng mga Turko sa mga Kristiyanong pilgrim na pilgrim na puntahan ang mga
lugar na ito. Humingi ng tulong si Alexander Comnenus, emperador ng Byzantine noong
1098 kay Papa Urban na patalsikin ang mga Turko, Sa Konseho
ng Clermont, noong 1095, itinaguyod nu Urban II ang isang Krusada na layuning bawiin ang Jerusalem mula sa mga Muslim.
Mga Pinuno:
--> Peter the Hermit, Walter the Peniless, Godfrey ng Bouldon, Raymond ng Toulouse, Robert ng Flanders, Bohemond ng Taranto.
Mga Labanan:
Niceae
--> tinalo ang mga Muslim ng magkasamang pwersa ng Byzantine at mga Krusador.
Antioch sa Hilagang Syria
--> pinakamatinding labanan patungong jerusalem, maraming
mga Krusador ang namatay dahil sa labanan at gutom ;
nakuha ng mga Krusador ang Antioch sa H. Syria.
Resulta:
--> Matapos ang anim na linggong pakikipaglabanan, nakuha ng mga Europeo ang Jerusalem noong 1099, hinati sa 4 ang estado.
-->ito ay: countly ng edessa, principality ng Antioch, countly ng Tripoli at
kaharian ng Jerusalem.
hanggang dyan muna... xD
نبذة مختصرة
Isinulat ni:santos92s A.K.A Cilvezter Eliazar
Mga Pinagkunan: wikipedia.org
x Araling Panlipunana ... عرض المزيد